Pages Menu Bar


Thursday, July 29, 2010

Education Patungo sa Kaunlaran


Ang plano ni President “NoyNoy” Aquino para sa Education ay maganda. Maaaring marmaing mga batikos tungkol sa mga pinili at niluklok nyang mga gabinete, pero ang tanung ang mga mga nakaluklok ba ay magpagkakatiwalaan. Sa isang pamumuno masimportante ang ganun sa ngaun. Para maiwasan ang pangungurakot. Ang isang kakayahan ay na “dedebelop” sa katagalan. Kung merun kang initiative na gumalaw, tama na ito para sa umpisa. Isa sa plano ni President Aquino ay dagdagan ang taon ng pagaaral sa elementarya. Marahil nga ito ay mas magbibigay bigat sa ating lahat. Ngunit magbibigay din ito ng magagandang resulta sa hinaharap. Tandaan natin na "ang ginagawa na natin sa kasalukuyan ang magdedetermina o magsasabi kung ano ang ating hinaharap". Education ang dapat tutukan, dahil "ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Ang sagot sa kahirapan ng Pilipinas ay hindi lang sa Presidente o sa mga nakalulok sa gobyerno kung di sa bawat mamayaman na nakatira dito. Kung ang tao ay marunong magtiis, marunong magtipid, di maglalaon, bukas lahat ay makakaramdam ng ginhawa. Scarcity, kakulangan, alamin ang “need” sa “want”. Gumasta ng perang sapat lamang. Kung merong sobra ibahagi sa mga na ngangailangan. Kung magagawa natin ito, hindi lang ang Pilipinas ang matutulungan natin, kung hindi naging mabuti pa tayong Kristyano.

Tama ang pangulo, “galing sa pakikielam tayoy humakbang pantungo sa pakikilahok” dahil kung tayo ay aasa lamang sa kanila hindi ito sapat ganun din kung tayo ay magrereklamo lamang. Kung tayo ay magtutulungan, lahat ng bagay matutupad. Paniniwala, pagiging makabayan ang kailangan natin sa umpisa ang susunod ay gawa, bukas ay ang hinahangad. Makiisa patungo sa kaunlaran ng ating bansa.
"Mga kasama, wag nating palampasin ang linggo ng hindi gumagawa ng maliit na hakbang sa pagbabago; pagpila ng maayos ng hindi nag-uunahan, pag gamit ulit ng 'po' at 'opo' sa mga nakakatanda, pagtawid ng maayos sa ating mga lansangan. Marami po iyan, pero maliliit na hakbang ang kailangan, hakbang tungo sa bagong Pilipinas." - President NoyNoy Aquino

1 comment: